Last April 17, I was given an opportunity to share one of Jesus' Last Words. At first I was so hesitant to do it since I do not know what to say plus it was my mom who said yes to the organizers. She just told me that they were asking me to be part of it together with other young professionals in our parish. "I'm not a professional!", I told my mom. "Just obey, okay?", she said. (Oh stage freight, here we go again! I cannot do this!) Through prayers, I was convinced to do it. (As if I have a choice then! Haha!) Well it was also a good opportunity for me to go back to my parish again after some years, and share with them my stories.
Days passed... And as Good Friday comes near, I was so nervous. All I have was my draft! I tried to call my Kuyas and Ates who can help me pray and discern more on what to share but still nothing came out from my mind. I knew at that point of time, the Lord wants to tell me something, my heart wanted to burst out! The Lord knows I was the perfect person who can share this 4th word to everyone.
After days of praying and reflecting, the Lord revealed to me His words. He simply allowed me to go back to my journey... and here's my short reflection sharing...
“Diyos ko, Diyos ko, Bakit mo ako pinabayaan?”
Ito ang ikaapat na salitang binanggit ni Hesus habang Siya ay nasa krus.
Sa loob po ng dalawampu’t dalawang taon, ako po ay lumaki sa isang masaya at mapagmahal na pamilya. Marami po akong kaibigan, nabigyan po ako ng magandang edukasyon, nakapagtapos sa isang magandang paaralan, at mayroon pong masagana at mapayapang buhay. Indeed, I am truly blessed and favored by the Lord. At hindi po natatapos doon ang biyaya ng Diyos sa akin. Matapos ko po makuha ang degree ko sa kolehiyo, ako po ay tumugon sa tawag ng Panginoon na maging isang Katolikong Laykong Misyonaryo na nagpapalaganap ng pagmamahal at mabuting gawain ng Diyos lalo’t higit sa mga kabataan. Ang pagtugon ko po sa kagustuhan ng Panginoon ang isa sa pinakamahirap, ngunit pinakamasayang desisyong ginawa ko po sa aking buhay.
Ang
pagtugon din pong ito, at ang pag-oo sa gawain ng Panginoon ang nagdala din po
sa akin sa misyon sa iba’t ibang lugar. Dito ko po unang naranasan na mapalayo
sa aking pamilya, magbyahe ng malalayo, manirahan sa ibang lugar, mapagod at
magkasakit, makisama sa mga tao na may iba’t ibang wika at dialekto at
pagkasyahin ang pinansyal na meron lamang ako. Ilan lamang ito sa mga
nararanasan ko. Sa misyon inalis ng Panginoon lahat ng comforts ko. Inalis ‘Nya ako sa buhay na nakasanayan ko. Dito ko
din naranasan na masaktan sa sinasabi ng mga tao, pagdudahan sa buhay na pinili
ko at kalimutan kung sino ba talaga ako.
Mahirap, masakit, opo. Maraming tanong ang nabuo sa aking puso’t isipan kung bakit ko ba nararanasan lahat ng ‘to. Naging masunurin at faithful naman po ako sa Panginoon. Tumugon na naman po ako sa tawag ‘Nya at pinili ang buhay na ninanais ‘Nya para sa akin, pero bakit ganito? Bakit ako pa din ang nahihirapan at nasasaktan? Hindi na ba ako mahal ng Diyos para iparanas ang mga bagay na ‘to? Bakit ko kailangang kalimutan ang sarili ko? Sa misyon pa din po ba ninyo ako tinatawag? Paano ako makakatulong sa pamilya ko gayong wala naman akong malaking sweldo at panganay pa ako? Ano kaya ang kinabukasang naghihintay sa akin?
Maraming tanong at pagdududa sa tawag ‘Nya ang nabuo sa akin. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay nandito pa din ako sa misyon, nagsisilbi sa Kanya at patuloy na tumutugon sa tawag ‘Nya.
Tulad ni Hesus noong Siya ay nahihirapan at nakapako sa krus, tinawag ‘Nya ang Diyos Ama, “Diyos ko, Diyos ko, Bakit mo ako pinabayaan?” At sa pagninilay ko sa mga katagang ito, mayroon akong natutunan na apat na bagay, Una, PAGKAKATAWANG-TAO. Ito po ang sumisimbolo sa pagkakatawang tao ni Hesus upang makasama natin ‘Sya dito sa lupa. Alam natin na ‘Sya ang bugtong na Anak ng Diyos, ngunit ipinadala ‘Sya dito upang makiisa sa ating mga pagpapakasakit at paghihirap.
Pangalawa, PANALANGIN. Ang ginawa pong pagtawag ni Hesus sa kanyang Amang nasa langit ay hindi isang tawag o tanong ng pagdududa, ngunit ito ay isang panalangin na nagpapakita sa isang malapit na relasyon ni Hesus sa Diyos Ama. Ito din ang tawag ng isang anak sa kanyang magulang kapag siya ay nahihirapan.
Pangatlo, PAG-ASA AT PAGTITIWALA. Noong tinawag ni Hesus ang Kanyang Ama, ito ay tawag na pag-asa at pagtitiwala na pinauubaya na ‘Nya ang kanyang sarili sa Diyos Ama. Alam ‘Nyang sa paghihirap ‘Nya ay tutulungan ‘Sya nito, kailangan lang ‘Nyang magtiwala na may magandang plano ang Diyos Ama para Sakanya.
At pang-apat, PRESENSYA. Sa pagtawag ni Hesus sa Kanyang Ama noong Siya ay nasa krus, mararamdaman natin ang presensya ng Diyos Ama Sakanya. Sa kabila ng lahat ng pasakit ‘Nya ang Diyos Ama ang nagsilbi ‘Nyang lakas. Ang presensya ng Diyos ang nagpatatag Sakanya habang Siya ay nahihirapan. Presensya, pagmamahal, at pagliligtas ang ipinagkaloob sa kanya ng Ama.
Nang tinalikuran ko ang buhay na mayroon ako noon, ipinaranas din sa akin ng Diyos ang hirap at sakripisyo, pero naniniwala ako na sa lahat ng pinagdadaanan ko ay kasama ko si Kristo. Mas lumalim ang relasyon ko sa Panginoon, mas natututo akong magdasal, humingi ng tulong sa Mahal na Ina sa pamamagitan ng pagrorosaryo, at makiisa sa Banal na Eukaristiya araw-araw. Ipinaalala sa aking ng Panginoon na mas magtiwala pa ako Sakanya na sa lahat ng ito ay may maganda pa Syang plano para sa buhay ko; na gagamitin pa ako ng Panginoon upang maisakatuparan ang ipinagkatiwala Nyang misyon sa akin. At sa kung ano pa man ang haharapin ko, naniniwala ako na kasama ko ang Diyos sa paglalakbay na ito, sapagkat alam ko na ang grasya ‘Nya ang magpapatatag at magpapalakas sa akin sa mga darating pang panahon.
Ito din ang hamon sa atin ng kasalukuyan na matuto tayong tumawag sa Panginoon sa mga panahong mag-isa na lamang tayo. Lagi nating tatandaan na may Diyos Amang handang tumugon sa ating mga panalangin. Iniintay ‘Nya lamang tayong magbalik loob Sakanya tulad ng isang ama na naghihintay sa pinakamamahal Nyang anak.
Do God really forsake me? No! He is always present. He is always there. When He is silent, I know He's up to something. Simply trust! When we TRUST Him, we ENTRUST everything to Him. And praise God for His constant love - the love that keeps me going everyday, the love that I hold on to. This is love. This is His work. This is grace.